ETO SAYO

eto sa iyo
nagpapataba ng sarili sa mga halina at pagsuyo
lumalamon ng puri at nagtatakam ng pansin

ngunit sa lalim ng iyong mga plastik na ngiti
nananaig ang iyong kapangitan
binabalot mo ang sarili sa mga hibla
na gawa sa salamin

pinalilibutan ka ng mga imahen ng iyong sarili
at nang mga hugis ng tao na dumarapa sa harapan mo

dahil ang hiling mo lamang ay ang sarili mo
at ang pansin na binibuhos sa iyo
parang krudo
kelangan mo upang tumakbo
upang umilaw

sayang ang dati mong kagandahan
ngayon ni hindi ka na abutan
at ang mga dati mong inaasahan
ay dahan-dahan nang
magkakandawalaan

Eto na ba ang tunay na ikaw?

3 Responses to “ETO SAYO”

  1. -PaMeEeEeh- Says:

    awWw..naks..anG LALim..d’ ko0h mahukay..haha :p

  2. Anna Says:

    no.. its the broken on.. but all that is broken does not remain broken forever.. unless it is dead.. but its not.. i push myself to have my hopes there.. as it goes on the other way for me.. huhu.. hope I dont get too far..

  3. Anna Says:

    the other way around pala.. hehe..**

Leave a Reply